Dating sundalo na suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, inilipat na sa NBI matapos sumuko sa AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang nai-turnover sa kustodiya ng National Bureau of Investigation o NBI ang 5 sumukong suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo gayundin sa 8 iba pa.

Ito ang inihayag ni Special Task Force Degamo Chairperson at Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos Jr sa ipinatawag na pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo ngayong araw.

Magugunitang inanunsyo kahapon ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na sumuko ang 5 nabanggit na suspek sa Armed Forces of the Philippines o AFP.

Pag-amin naman ni AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, pawang mga dating sundalo ang 5 sumukong suspek na mayroon aniyang direktang partisipasyon sa karumal-dumal na krimen.

Kaugnay nito, sinabi ni Abalos na kasalukuyan nang isinasailalim sa interrogation ang 5 sumukong suspek at doon kanilang ilalantad kung sino ang mastermind sa pagpatay kay Gov. Degamo. I via Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us