Davao Occidental, muli na namang niyanig ng magkasunod na lindol ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Niyanig ng magkasunod na lindol ang probinsya ng Davao Occidental ngayong umaga.

Unang tumama ang magnitude 5.3 na lindol sa Sarangani Island sa Davao Occidental bandang 5:25 ng umaga.

Tectonic ang origin nito at may lalim itong 13 kilometro.

Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 1 sa Don Marcelino, Davao Occidental at Malungon, Sarangani.

Sumunod naman ang isang magnitude 4 na lindol sa Balut Island sa Davao Occidental bandang 5:49 ng umaga.

Wala namang inaasahang pinsala ang Phivolcs kasunod ng lindol. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us