Puspusan na ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Department of Budget and Mangement (DBM) sa Kongreso upang magpaliwanag at sagutin ang ilang katanungan ng mga mambabatas, para sa Progressive Budgeting for Better and Modernized (PBBM) Governance bill.
Matatandaan na ang panukalang ito ay isa sa priority legislative measure ng Marcos Administration, at nakaangkla ito sa 8-point Socioeconomic Agenda ng pamahalaan.
Layon nitong paigtingan pa ang pagiging bukas, public accountability, at kakayahan ng pamahalaan na magbigay ng serbisyo sa mga Pilipino.
“The Progressive Budgeting for Better and Modernized Governance Act is a landmark legislative measure which seeks to improve the ability of the government to deliver direct, immediate, and substantial services to the people, thereby, strengthening public accountability and transparency,” — Secretary Pangandaman.
Sa briefing session na pinangunahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, sinabi nito na ang panukala sa oras na maipasa, magreresulta lamang ng ganap na paggamit ng bansa sa fiscal resources nito, na siya namang mag-aangat sa quality of governance ng pamahalaan.
“Ultimately, this would result in the optimal use of the country’s fiscal resources, enhance the quality of governance we provide and, in turn, ensure improved quality of life for all Filipinos,” Secretary Pangandaman. | ulat ni Racquel Bayan