DBM, tiniyak na ipinapatupad ang mga inisyatibong nagsusulong ng fiscal transparency

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagsusulong ng isang bukas na pamahalaan at fiscal transparency, para sa mga Pilipino.

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, bukod sa Freedom of Information (FOI) ang DBM ay nagpapatupad ng iba pang mga inisyatibo upang makamit ito.

Inihalimbawa ng kalihim ang pangunguna ng DBM sa Philippine Open Government Partnership (PH-OGP).

Ito ang main consultation platform ng Participatory Governance Cluster ng gabinete, na siya namang nagko-konekta sa pamahalaan at mga mamamayan.

Pagtitiyak ng kalihim, ang DBM, sinisiguro na involved ang publiko sa lahat ng alokasyon, desisyon, at programa na ipatutupad ng departamento.

“Rest assured the DBM is one with you as you continue to implement and promote access to information mechanisms in the country,” —Secretary Pangandaman. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us