Muling nanawagan ang Department of Energy (DOE) sa publiko para sa wasto at tamang pamamaraan ng paggamit ng elektrisidad sa bansa.
Ito ay sa kabila ng maayos na pagdaraos ng Earth Hour nitong Sabado, kung saan isang oras na nagpatay ng mga ilaw ang iba’t ibang establisyimento at mga kabahayan sa ibat ibang panig ng mundo.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla’, layon ng kanilang panawagan na maging responsable ang bawat Pilipino sa pagamit ng kuryente lalo na sa pagkakaroon ng climate change.
Dagdag pa ni Lotilla, na malaki ang maitutulong ng ganitong klaseng mga pamamaraan tulad ng Earth hour dahil sa inaasahang pagtaas ng demand ng power generation ngayong summer season, kung saan nakatipid ang kagawaran ng nasa 33.29 megawatts sa Luzon, 20.5 MW naman sa Mindanao, at 8.9 MW naman sa Visayas. | ulat ni AJ Ignacio