Desisyon ni Pang. Marcos na itigil na ang pakikipag-ugnayan sa ICC, suportado ni Sen. Bong Go

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Senador Bong Go ang naging pahayag ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na ititigil na ng pamahalaan ang anumang uri ng komunikasyon sa International Criminal Court (ICC).

Ito matapos na ibasura ng ICC ang apela ng pamahalaan na suspendihin ang imbestigasyon nito sa anti-drug war ni dating Pang. Rodrigo Duterte.

Ayon sa senador, noon pa mang Duterte admin ay hindi na kinikilala ang ICC dahil gumagana naman ang hudikatura ng bansa.

Giit pa nito, mga Pilipino lamang ang siyang dapat lang humusga kung mayroon mang naging kasalanan si dating Pangulong Duterte.

Nanindigan si Sen. Go na isinulong ni former President Duterte ang kampanya kontra iligal na droga para sa kapayapaan at kaayusan ng bansa. | via Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us