Muling siniguro ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong malalagay sa Death Row Sentence sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa isang statement sinabi ng DFA, na patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanilang tangapan sa pagsasalba sa ating mga kababayan na nasa death row sentence.
Kabilang na dito ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng diplomatic channels nito upang masiguro ang acquittal ng ating mga kababayan kabilang na rito ang nasa 556 na acquittal na naitala ng DFA mula 2018 hangang 2022.
Kaugnay nito nasa 354 na kaso ng ating mga kababayan abroad ang mabigyan ng pardon mula sa kanilang sentensya dahil sa maayos na pakikipag-ugnayan ng DFA sa kanilang host countries.
Samantala, muli namang siniguro ng DFA na magpapatuloy ang kanilang pagtulong sa ating mga kababayan abroad para sa pag-alalay sa kanilang mga kaso sa iba’t ibang panig ng mundo. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio