DHSUD, nagbabala laban sa mga scammer na ginagamit ang pambansang pabahay rollout

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ngayon ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang publiko laban sa mga scammer na ginagamit ang rollout ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program para manloko.

Sa isang pahayag, sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na hindi nito kinukunsinte ang ganitong iligal na gawain at handang habulin o sampahan ng kaso ang mga mapapatunayang nananamantala sa housing program.

Kasunod nito, hinikayat naman ng kalihim ang publiko na ireport sa mga otoridad kung makakaranas sila ng nakakadudang transaksyon sa mga indibidwal, grupo o maging mga opisyal at kawani ng DHSUD.

“At DHSUD, we don’t tolerate any form of graft and corruption. We encourage everyone to report any suspicion against unscrupulous individuals taking advantage of the 4PH Program for their illegal activities,” Secretary Acuzar.

Nilinaw rin nito na walang registration o membership fees na kailangang bayaran para sa pambansang pabahay program.

Payo nito sa publiko, makipgtransaksyon lamang sa mga lokal na pamahalaan kaugnay ng mga maaaring maging benepisyaryo ng programa

“Don’t engage private individuals or groups to register under 4PH…just proceed to your LGUs, they are the ones in-charge in identifying beneficiaries and selecting contractors.” I via Merry B.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us