Muling pinawi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pangamba ng publiko sa SIM registration partikular na ang agam-agam na maaaring makompromiso ang kanilang mga personal na impormasyon.
Pagtitiyak ng DICT, ligtas ang datos at impormasyon ng publiko sa SIM Registration dahil ipinapatupad ito kaakibat ng Data Privacy Act ng 2012.
Ibig sabihin, binibigyang proteksyon ng batas ang datos at personal na impormasyon ng bawat registrant.
Ayon pa kay DICT Sec. Ivan Uy, maging ang telcos ay sumusunod rin sa mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga end-user habang isinasagawa ang SIM Registration.
Kaugnay nito, sa pinakahuling datos mula sa NTC, as of March 14 ay umabot na sa 45.2 milyon ang bilang ng mga subscriber na nakapagparehistro na katumbas ng 26.75% ng kabuuang bilang ng subscriber sa buong bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa