DMW, muling tiniyak sa Int’l Community ang pangakong ipaglalaban ang karapatan ng mga migrante

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi titigil ang Pilipinas sa pagsusulong ng mga hakbang upang protektahan ang karapatan gayundin ang kapakanan ng mga migrante.

Iyan ang inihayag ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople sa kaniyang pagdalo sa 21st Session of the United Nations (UN) Committee on the Protection of the Rights of All Migrant Workers and Members of their Family sa Geneva, Switzerland.

Dito, sinabi ni Ople na mula nang itatag ang DMW ito na ang umaagapay sa mga Migranteng Pilipno sa pakikipaglaban para sa kanilang karapatan.

Ipinagmalaki rin ng jalihim ang whole of government approach sa pagtugon nila sa mga suliraning kinahaharap ng mga migrante at kanilang pamilya.

Sa katunayan ani Ople, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng paglagda ng mga bilateral agreement para itaguyod ang karapatan ng mga Pilipino. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us