DMW, nakipag tie-up sa isang HMO company para sa dagdag na health coverage na ibibigay sa OFWs

Facebook
Twitter
LinkedIn
Photo courtesy of Department of Migrant Workers

Nakipagtie-up ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Health Maintenance Organization (HMO) provider.

Ito ay para naman sa karagdagang health benefits na ibibigay sa overseas Filipino workers (OFWs) at sa kanilang pamilya.

Pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Susan Ople ang paglagda ng isang partnership agreement sa mWell, sa pangunguna ng Chief Executive Officer nito na si Ms. Chaye Cabal-Revilla.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, bibigyang access ang mga OFW gayundin ang pamilya nito para sa serbisyo ng mWell bilang HMO.

Bibigyan din ng access ang mga OFW sa ilulunsad na mWell app upang mapabilis ang proseso sa mga claim at scheduling sa pagpapagamot ng mga ito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us