Mariing kinondena ng Department of National Defense (DND) ang serye ng pag-atake ng NPA sa Placer at Kawayan, Masbate na nagdulot ng pinsala sa mga sundalo at inosenteng sibilyan, kabilang ang mga mag-aaral.
Sa isang statement ngayong umaga, sinabi ni DND Spokesperson Director Arsenio Andolong na inilalagay ng NPA sa peligro ang buhay ng mga inosenteng tao sa kanilang paggamit ng improvised explosive devices malapit sa mga paaralan at pampublikong lugar.
Patunay lang aniya ito ng kawalan ng konsensya at desperasyon ng NPA na ipamukha na may saysay pa ang kanilang ipinaglalaban.
Hinimok ng DND ang sambayanan na magkaisa sa pagtakwil sa mga teroristang komunista.
Tiniyak naman ng DND na walang patid ang kanilang kampanya kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na wakasan na ang paghahasik ng karahasan ng mga teroristang komunista. | ulat ni Leo Sarne