Nagpasalamat ang Department of Health (DOH) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsertipika ng Center for Disease Prevention and Control (CDC) bill bilang urgent.
Ayon kay DOH OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire, matagal na nilang pinag-aaralan ang naturang panukalang batas kung saan nagkaroon na sila ng iba’t ibang pulong hinggil dito.
Kasabay nito ay nilinaw rin ng ahensya na hindi medical martial law ang CDC sa halip ito aniya ay paraan para makapaghanda ang Pilipinas sa mga scenario gaya ng COVID-19.
Paliwanag ni Vergeire na nitong pandemya ay nakita aniya ng bansa ang mga pagkukulang sa health system ng Pilipinas at ang CDC ang solusyon aniya dito.
Pagtitiyak ng opisyal na walang makikita sa CDC bill na may probisyon hinggil o may kaugnayan sa martial law. | ulat ni Lorenz Tanjoco