DOH, may paalala sa mga canteen, iba pang mga bumubuo ng eskwelahan ngayong summer season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang mga eskwelahan na partikular ang mga canteens nito pagdating sa paghahanda ng mga makakain ng mga estudyante.

Ayon kay DOH OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dahil panahon ng tag-init dapat ay maging maalam ang mga tauhan ng mga canteen at iwasan ang mga pagkaing madaling mapanis o kung hindi maiiwasan ay dapat gumawa ng paraan para maiwasan ang pagkasira nito.

Paliwanag ng opisyal, sa ganitong klase ng panahon ay nasa dalawang oras na lamang halos ang itinatagal ng isang pagkain bago ito magsimulang masira.

Pinaalalahanan din ni Vergeire ang mga guro na siguruhing laging may maayos na daloy na hangin sa mga silid-aralan at bigyan lagi ng panahon na makainom ang mga estudyante ng tubig.

Pinayuhan naman ni Vergeire ang mga estudyante na laging magbaon ng tubig at ugaliin ang pag-inom dito.

Pinamo-monitor din nito ang mismong pamunuan ng eskwelahan sa mga estudyante at kung sakaling may makitaan ng ano mang sintomas ng heat stroke ay agad kumunsulta sa doktor.

Nag-ugat ang pahayag ng DOH matapos makapagtala ng pagkahilo ng mga estudyante sa ilang mga eskwelahan sa bansa dahil sa init ng panahon. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us