Pinaiiwas ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na mahilig magpalangoy sa kanilang mga anak sa inflatable pools sa paggamit ng kemikal sa tubig.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas maraming posibleng hindi magandang mangyari sa tuwing gagamit ng kemikal para makatipid lang sa tubig.
Aniya naiintindihan niya na mahal na ang tubig sa ngayon subalit mas maayos pa rin kung magpapalit lagi ng tubig tuwing maliligo ang mga bata sa inflatable pool para maiwasan ang anumang sakit.
Kasabay nito ay pinaalalahanan din ni Vergeire ang mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak lalo na ung mga malilit dahil posibleng malunod pa rin ang mga ito o mabagok. | ulat ni Lorenz Tanjoco