Ipapatawag ng Department of Justice ang Maritime Industry Authority o MARINA para alamin ang mga detalye kaugnay sa MT Princess Empress.
Sa nakatakdang pag-uusap ng DOJ at MARINA ay bilang paghahanda sa isasagawang exploratory talks sa pagitan ng Philippine Coast Guard; Bureau of Fisheries and Aquatic Resources; Department of Trade and Industry at iba pang ahensiya ng gobyerno.
Dagdag pa ni Remulla sakaling matapos na ang imbestigasyon, posibleng maghain sila ng administrative case sa Office of the Ombudsman at criminal charge naman sa korte sakaling makitaan ng pagkakasala ang mga opisyal ng mga nasabing ahensya.
Samantala sa panig naman ng may-ari ng barko posible aniyang masampahan ng mga kasong civil at criminal cases, environmental damages, criminal negligence, falsification of documents at iba pa.
Pagilinaw pa ng kalihim, bubusisiin munang maigi ng inter-agency panel ang lahat ng anggulo sa nangyari. | ulat ni Paula Antolin