DOJ, pag-aaralan ang pagpigil sa paglalayag ng 3 pang barko na nagmamay-ari sa MT Princess

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan na rin ng Department of Justice ang posibilidad na pigilan munang makapaglayag ang tatlo pang barko ng nag-mamay-ari rin ng MT Princess Empress.

Paliwanag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla katulad din ito sa naaksidenteng eroplano awtomatikong grounded ang lahat ng mga kahalintulad na eroplano.

Kabilang aniya ito sa mga isyu na kanilang aalamin sa Maritime Industry Authority dahil ito ang ahensyang may direktang kontrol sa operasyon ng mga barko.

Layon nito aniya na maiwasang maulit pa ang aksidente ng paglubog ng barko na nagdudulot ngayon ng malaking perwisyo. | ulat ni Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us