Nais makamit ng Department of Tourism (DOT) na maging top tourism power house ang Pilipinas sa ilalim National Tourism Development Plan ng bansa.
Ayon kay Tourism Sectary Christina Frasco, nasa ilalim ng naturang development plan ang mabigyang prayoridad ang programa na magpapaunlad sa sektor ng turismo sa bansa.
Dagdag pa ni Frasco na patuloy ang pagpapakilla ng Pilipinas sa international trade fairs sa iba’t ibang bansa para muling i-promote ang tourism sites sa ating bansa.
Kaunay nito, makakaasa ang Pilipinas na muling maibabalik ang ating bansa bilang isa sa Top Tourism Power House sa buong Asya. Ito’y sa patuloy na pagsuporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio