DOT, nakipagpulong sa kumpanyang Master Card para sa pagkakaroon ng debit online payments sa lahat ng tourism sites sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para sa mas convenient na pagpabayad ng foreign at lokal tourist sa bansa, nakipagpulong ang Department of Tourisim (DOT) sa online payment company na Master Card para sa pagkakaroon ng online debit platforms sa lahat ng tourism sites sa bansa.

Ayon kay Toursim Secretary Christina Frasco, layon nitong magkaroon ng mas modernong pamamaraan ng pagbabayad sa mga serbisyo at produktong pang turismo sa online payment at debit payments sa lahat ng tourism sites sa bansa.

Dagdag pa ng kalihim ito’y bahagi ng kanilang makabagong programa na magkaroon ng alternative payment system sa ating mga turista na hindi kailangang mag-withdraw at maghanap ng ATM machines at malaki ang maitutulong nito lalo na sa mas mabilis na transaction ng ating mga turista. | Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us