Nakipagpulong ang Department of Tourism (DOT) sa iba’t ibang mga tour guide associations sa bansa upang pag-usapan ang mga makabagong programa para sa kanilang sektor.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, layon ng naturang pagpupulong ang ipahatid sa kanilang hanay ang mga makabagong polisiya at mga programa na magpapaangat sa kanilang sektor.
Isa na dito aniya ang mga bagong training at seminar mula sa ibang bansa kabilang dito ang pag-aaral ng iba’t ibang lenguaheng banyaga upang mas maintindihan ng iba pang bansa ang mayamang kultura ng Pilipinas.
Kabilang rin sa mga napag-usapan sa naturang pulong ang mga issues and concerns ng tour guide sector gaya ng standardization ng tour guide rates, at ang pagkakaroon ng insurance at iba pang benepisyo sa tourism workers.
Dagdag pa ni Frasco na nais nilang isulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang Magna Carta for Tourism Workers. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio