Pormal nang lumagda ngayong araw si Department of Transportation o DOTr Sec. Jaime Bautista ng kontrata sa Shadow Operator Consultant na Ricardo Rail Australia Party Limited para sa ganap na pagtatayo ng Metro Rail Transit o MRT line 4.
Sakaling matapos ang 13 kilometrong proyekto, aarangkada ang MRT line 4 na babagtas mula Ortigas Avenue hanggang Taytay sa Rizal at magiging fully operational sa taong 2028.
Sumaksi rin sa contract signing sina Australian Ambassador to the Philippines Dr. Moya Collet gayundin ang mga opisyal mula sa Asian Development Bank o ADB.
Kumpiyansa si Bautista na sa pamamagitan nito ay tiyak na maisasakatuparan na ang pangarap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na bigyan ng isang ligtas, maaliwalas at maginhawang biyahe ang mga Pilipino.
Isinagawa ang contract signing sa Mandaluyong City. | ulat ni Jaymark Dagala
: DOTr