Hinikayat ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ang pamahalaan na muling repasuhin ang panukalang dredging ng Laguna Lake upang maibsan ang pagbaha sa karatig probinsya at Metro Manila.
Sa pagdining ng House Committee on Ecology, sinabi ni Fernandez na dapat muling i-asses ng gobyerno na buhayin ang 18.7 billion pesos Laguna Lake Rehabilitaion Project na sinimulan noong 2010 sa pangunguna ni dating pangulo at ngayo’y Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Sa ilalim ng inihaing Resolution 376 ni Fernandez sa Kamara, kailangan nang i-recapacitate at i-rehabilitate ang Laguna Lake dahil sa ngayon nasa 2.5 meters na lamang ang lalim ng lawa na dati ay nasa 12.5 meters.
Aniya, dahil umaapaw na ang Laguna Lake, nagdudulot ito ng pagbaha kaya dapat ito muling hukayin upang tumaas ang capacity level nito.
Samantala, nangangamba naman ang grupo ng mga mangingisda sa panukalang dredging dahil umano maapektuhan ang kanilang hanapbuhay.
Ayon kay fisherfolk group PAMALAKAYA Spokesperson Ronnell Arambulo, tutol sila sa dredging dahil maapektuban ang marine life and ecology ng Laguna Bay. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes