Ginawaran ng Certificate of Commendation (COC) Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang pamahalaang lungsod ng Navotas dahil sa pagtalima nito sa pagkakaroon ng fully streamlined at digitalized na electronic Business One-Stop Shop (eBOSS).
Ang pagkilala ay iginawad mismo ni ARTA Chief Secretary Ernesto Perez kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco matapos ang mga inspeksyon at validation ng ARTA – Compliance Monitoring and Evaluation Office (CMEO) sa pamahalaang lungsod.
Ayon kay Sec. Perez, sa tulong ng pag-streamline ng Navotas LGU ng kanilang mga proseso ay hinihikayat nito ang mga negosyante sa lungsod na magparehistro at magbayad ng tamang buwis.
Muli rin nitong binigyang diin na ang eBOSS ay alinsunod sa Ease of Doing Business (EODB) Law at gayundin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-digitalize ang mga transaksyon sa gobyerno.
Ang Navotas ang ikaanim sa mga LGU sa Metro Manila na nakatanggap ng ARTA commendation matapos ang Parañaque City, Manila City, Valenzuela City, Quezon City, at Muntinlupa City. | ulat ni Merry Ann Bastasa