Filing ng COC ng barangay at SK election, iniurong ng COMELEC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniurong na ng Commission on Elections (COMELEC) ang nakatakda na sanang petsa ng paghahain ng kandidatura ng mga tatakbo sa barangay at sangguniang kabataan, o SK election.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na sa halip na sa July 3 hanggang 7 ang paghahain ng Certificate of Candidacy o COC ay sisimulan ito mula August 28 hanggang September 2 o 6 na araw mula Lunes hanggang Sabado.

Paliwanag ni Atty. John Rex Laudiangco, tagapagsalita ng COMELEC, ito’y matapos na hilingin ng mga senador ang pagkunsidera ng COMELEC na iatras ang petsa ng BSKE.

Ito’y sa katwiran na maaaring maagang tumaas ang tensyon sa mga kandidato sa halalan. I via Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us