Inilahad ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) ang mga economic strategies ng gobyerno sa susunod na limang taon.
Sa kanyang talumpati sa ginanap na FOCAP Prospects for the Philippines Forum, sinabi nito na malaki ang silid para maging positibo sa hinaharap ng bansa sa ngayon.
Nanawagan din ito sa mga miyembro ng FOCAP na ibalita ang istorya ng ekonomiya ng bansa kaakibat ang mga nararanasang pakikibaka at tagumpay.
Umaasa si Diokno na maikukwento ang Philippine economic story ng patas at balanse.
Sinabi ng kalihim na ang matibay na macroeconomic fundamental ng bansa, natamong “record-high full-year economic growth noong 2022, low unemployment, at on-target performance ay nagsisilbing source ng optimism para sa medium hanggang long-term outlook ng bansa.
Dagdag pa niya ang affirmation ng Japan Credit Rating (JCR) Agency sa Pilipinas na ‘A-minus’ Credit Rating with a Stable Outlook ay senyales ng sustained economic growth performance bunsod ng solid domestic demand. | ulat ni Melany Valdoz Reyes