France, nagpadala ng eksperto para tumulong sa oil spill ops

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpadala ng eksperto ang France para tumulong sa oil spill cleanup operations sa Oriental Mindoro.

Ayon sa French Embassy sa Manila, isinagawa ni Mr. Mikaël Laurent ang kanyang misyon sa bansa mula March 16 hanggang March 29, para sa Center for Documentation, Research and Experimentation on Accidental Water Pollution (CEDRE), ang French environmental agency na naka-base sa Brest-France.

Dito’y nakilahok si Laurent sa planning meetings kasama ang Philippine Coast Guard, Department of Environment and Natural Resources (DENR), mga lokal na awtoridad, at pribadong kontratista, kabilang ang French company Le Floch Depollution.

Pinayuhan din ni Laurent ang mga oil spill responders sa pinaka-epektibong paraan upang mabawasan ang “waste” na likha ng cleanup operations.

Ayon sa French Embassy, ang misyon ni Laurent na pinondohan ng French Development Agency (AFD) at Expertise France, ay bahagi ng “long-term support” ng Pransya sa pangangalaga ng kapaligiran at biodiversity sa Pilipinas. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us