French Navy, nagsanay kasama ang Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Embahada ng France sa Pilipinas ang matagumpay na pakikipagsanay ng French Navy sa Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng isinagawang Passing Exercise (PASSEX) na nilahukan ng French Navy Frigate na FS Prairial (Prer-yal) gayundin ng BRP Capones.

Dito, nilinang ng French Navy at Phillippine Coast Guard ang kanilang interoperability na bahagi ng multilateral approach ng France sa rehiyon.

Ang FS Prairial (Prer-yal) ay isang Floréal class frigate na nakabase sa Papeete (Pape-ete), at nasa pangangalaga ng Armed Forces sa French Polynesia.

Ginawa ang nasabing pagsasanay bilang bahagi ng wide range mission ng French Government sa kanilang sovereignty missions.

Ang French Navy Frigate na FS Prairial (Prer-yal) ay may haba na 94 na metro at mayroong 100 crew. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us