Dapat munang pakinggan ni dating Sen. Panfilo Lacson ang panig ng kababaihan bago husgahan ang ipinanukalang Menstrual Paid Leave.
Ito ang apela ng Gabriela party-list sa dating senador matapos nitong sabihin na posibleng makasama kaysa sa makabuti ang isinusulong na panukala.
Sa dami na kasi aniya ng leave para sa mga babae, ay posibleng magdulot pa ito lalo ng pagkawala ng trabaho.
“We advise former senator Panfilo Lacson to listen first to the reasons why women are demanding a paid menstrual leave as contained in our House Bill 7758 instead of floating all sorts of illogical subsequent proposals that would arise from our measure. It is important to understand that granting paid menstrual leave to female workers and employees is both a matter of women’s health and productivity improvement.” pahayag ng Gabriela party-list.
Pero diin ng Gabriela, ang naturang panukala ay para sa kalusugan ng mga babae at upang mas maging produktibo sila.
Hindi rin gawa-gawa lamang ng mga babae ang nararanasang sakit at iba pang sintomas kada buwan tuwing nagkakaroon ng regla
Kaya apela ng partylist group sa dating senador na maki-simpatya sa pinagdaraanan ng mga kababaihan bago magkomento.
“The experience of throbbing pain and other symptoms during women’s monthly periods is not something which women made up – it is a shared reality which women have to endure on a monthly basis…To reduce women’s demand for menstrual leave to a plane alongside testosterone-boosting leaves for men is to trivialize women’s pain. We wish the former senator could have listened and empathized more to women, instead of issuing an insensitive comment out of nowhere.” saad sa kalatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes