Inaprubahan ng Green Climate Fund (GCF) ang USD 39.2 million na proyekto ng gobyerno kasama ang Food and Agriculture Organization ng Estados Unidos.
Sa ilalim ng proyekto, magtutulungan ang FAO, Green Climate Fund at Philippine government upang palakasin ang mga magsasaka sa bansa upang makamit ang sustainable, resilient at inclusive agrifood system.
Ang grant ay idadaan sa Department of Agriculture at PAGASA.
Inaasahan na mabebenepisyohan ang may 1.25 milyon na mga magsasaka upang itaas ang kanilang kamalayan sa epekto ng climate change at mitigation, access upang mapondohan ang mga teknolohiya para i-adopt ang climate-resilient agriculture practices.
Sa kasalukuyan., katuwang ng FAO ang DOST – PAGASA simula pa noong 2011 sa hangarin na i-promote ang agricultural adaptation and mitigation to climate change. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes