Grupo ng commuters, pinabibigyang linaw sa LFTRB ang magiging sistema ng fare discount sa mga PUV

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais ng Lawyers for Commuters Safety and Protection na ipaklaro sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang magiging sistema sa pagbibigay ng fare discount sa lahat ng Public utility vehicle.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, Pangulo ng LCSP, dapat klaruhin kung anu-ano ang mga sasakyan na sakop ng fare discount.

Bagamat tumutukoy sa jeep, bus at UV Express, nais nilang malaman kung sakop ba nito ang lahat ng ruta sa buong bansa.

Kung hindi daw sasakupin ng fare discount ang lahat ng mga unit, posibleng makalikha lamang ito ng kalituhan ng mga pasahero at driver.

Una nang umalma ang grupong Manibela sa planong fare discount ng Department of Transportation dahil may ilang myembro nila ang posibleng hindi mapasama sa programang ito.

Tanong nila, paano naman daw ang mga tsuper at operators na hindi mapapasama sa programang ito ng ahensya. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us