Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nasa halos 90% na ang itinatakbo ng imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Gov. Roel Degamo.
Ayon pa sa kalihim, ang natitirang 10% ang mas mahirap na bahagi ng imbestigayson dahil sa pangangalap ng ebidensya.
Gayunman, ngayong araw nakapulong ni Remulla ang ilang local government units sa pangunguna ni Pamplona Mayor Janice Degamo, ang maybahay ng pinaslang na gobernador.
Nagkaron aniya sila ng pagpapalitan ng impormasyon at ng mga kaganapan sa lalawigan.
Binigyang diin ni Remulla na masusi nilang ini-imbestighan ang hawak nilang suspek at lahat ng mga ebidensya upang hindi aniya masayang ang nasimulan na nilang trabaho para sa ikalulutas ng kaso. I via Paula Antolin