Naghahanda na ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa inaasahang pagdagsa ng mga mananakay ngayong panahon ng Semana Santa.
Ayon kay Jason Salvador, Corporate Affairs and Government Relations Head ng PITX, tinatayang aabot sa 1.2 milyong pasahero ang kanilang inaasahang bibiyahe bago at pagkatapos ng Holy Week.
Kaugnay nito ay naghahanda na ang PITX para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga bibiyahe ngayong Semana Santa sa pamamagitan ng paglulunsad ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa.
Maglalagay din ang Department of Transportation (DOTr) ng Malasakit Help Desk sa main entrance ng terminal simula sa April 1 na mamanduhan ng mga personel mula sa Department of Transportation (DOTr), Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Nakaantabay din ang Red Cross Parañaque Chapter gayundin ang PNP na magsasagawa ng 24-hour mobile patrol ), at K9 Units
Mag-iinspeksyon din ang LTO sa lahat ng mga bibiyaheng sasakyan upang matiyak ang road worhty ng ng ito gayundin sa mga driver upang masiguro na nasa maayos na kondisyon ang kabilang katawan at pag-iisip bago bumyahe. | ulat ni Janze Macahilas