Higit P100K halaga ng iligal na droga nasabat sa buy-bust operation ng Pasay City Police

Facebook
Twitter
LinkedIn

Himas-rehas ngayon ang dalawang tulak ng iligal na droga matapos maaresto sa isinagawang operasyon ng mga operatiba sa Brgy 194 Zone 20 Pasay City.

Nahuli sa buy-bust operation ang dalawang suspek na kinilalang sina John Jason Placido, 27 anyos at ang kasabwat nito na si Elton John Bella alyas Atong.

Ayon sa Pasay City Police, kabilang ang dalawa sa drug watchlist ng lungsod na matagal nang minamanmanan.

Nasabat ng mga awtoridad sa mga suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 20grams na nagkakahalaga ng P136,000.

Sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us