House Committee on Ethics, nanindigan na walang grave abuse of discretion sa pagsuspindi kay Rep. Arnie Teves

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan si House Committee on Ethics Senior Vice-Chair Ria Vergara na hindi inabuso ng komite ang kapangyarihan nito matapos irekomenda ang pagsuspindi kay Negros Oriental Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr.

Tugon ito ng mambabatas sa tanong ng media sakaling iakyat ang usapin ng suspensyon ni Teves sa Supreme Court.

Aniya, mandato ng komite na aralin at magrekomenda ng sanction sa isang miyembro ng Mataas na Kapulungan kung kinakailangan.

Giit pa ng mambabatas, mismong ang plenaryo ng Kamara ay ipinagtibay ang kanilang rekomendasyon na 60-day suspension matapos 292 na mambabatas ang bumoto pabor dito.

“As a member of the Committee on Ethics as well as being present in all committee hearings I’m confident that we did not transgressed or we did not overstepped our mandate…There was a 292 majority, 0 abstentions, 0 negative that upheld the findings of the committee so I’m confident that the committee did it’s job and I think the Supreme Court will look at the records and will find that we did not transgress any rules,” ani Vergara.

Una nang umapela ang kampo ni Teves sa komite na bawiin ang ipinataw na suspensyon dahil sa disorderly behavior.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us