House Panel, bumuo ng TWG upang tugunan ang problema sa Laguna Lake

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo ng Technical Working Group ang House Committee on Ecology upang gumawa ng panukalang tutugon sa mga isyu sa Laguna Lake partikular na ang pagbaha sa mga nakapaligid na lugar.

Inaprubahan din ng komite sa pangunguna ni Biñan Rep. Marlyn Alonte na italaga si Sta. Rosa City Rep. Dan Fernadez na siyang mamuno ng TWG.

Maalalang noong 2010 ay pumasok ang administrasyong Arroyo ng kontrata sa Belgian Contractor para sa dredging ng 94,900 ektarya ng Laguna de Bay upang mapalawak ang kapasidad na siyang pipigil sa pagbaha gaya ng nangyaring matinding baha noong bagyong Ulysess, Ondoy at Milenyo.

Nagpahayag naman ng pagsuporta ang DENR, LLDA at ilang ahensya ng gobyerno sa hakbangin na i-develop at pagandahin ang Laguna Lake.

Ayon kay NEDA Director Hazel Baliatan, ang dredging project ay maaring isama sa Phase 2 ng LLRN project.

Ang Laguna Lake ay isa sa pinakamalaking inland freshwater body sa Southeast Asia at pinaniniwalaang may potensyal na mag-ambag ng malaking pagbaha. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us