Iba’t ibang tollway sa bansa, handa na sa dagsa ng mga motorista ngayong Holy Week Exodus

Facebook
Twitter
LinkedIn

Libo-libong mga motorista ang inaasahang daraan sa iba’t ibang tollway sa bansa para sa Holy Week Exodus o ang pagbiyahe ng mga magbabakasyon gayundin ng mga magsisipag-uwian sa mga lalawigan para sa Semana Santa 2023.

Dahil dito, tinatayang nasa 1,500 traffic at toll lane management personnel ang ipakakalat ng Metro Pacific Tollways road network sa pangunahing tollways sa bansa tulad ng NLEX, SCTEX, CAVITEX, CAVITEX C-5 link at CALAX.

Ayon sa MPTC, ngayon pa lamang ay nakakalat na ang mahigit 1,000 nilang security at incident response teams, para umalalay sa mga motorista para sa ligtas na pagbiyahe.

Kasunod nito, inabisuhan ng MPTC ang publiko na asahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga major toll plaza tulad ng Balintawak, Mindanao Avenue, Bocaue, Tarlac at Tipo para sa NLEX, Kawit at Parañaque sa CAVITEX gayundin ang Sta. Rosa at Silang exits sa CALAX.

Samantala, inanunsiyo rin ng MPTC na suspendido ang mga road work sa kahabaan ng Cebu-Cordova Link Expressway mula Abril 6, Huwebes Santo hanggang Abril 7, Biyernes Santo.

Subalit mananatili namang bukas ang kanilang Customer Service Center para sa reloading ng mga RFID. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us