Ipinamahagi ng Office of the Vice President (OVP) – Disaster Operations Center ang may isang libong food boxes para sa mga nawalan ng tahanan matapos ang nangyaring sunog sa Brgy. 21-C at Brgy. 22-C sa Piapi, Davao City noong February 25.
Partikular na iniabot ng OVP-DOC ang ikatlong tranche ng nasabing tulong sa may 963 na pamilya o katumbas ng mahigit sa tatlong libong indibiduwal na naapektuhan ng nasabing sunog.
Unang naibigay ng OVP-DOC ang first tranche ng ayuda, dalawang araw matapos ang sunog noong February 27 hanggang March 5 kung saan, nagsagawa rin ng feeding program sa mga nagsilikas na pamilya.
March 10 naman nang ihatid ang ikalawang tranch ng ayuda at namahagi rin sila ng pagkain sa pamamagitan ng OVP Kalusugan Food Truck na programa ng OVP para labanan ang malnutrisyon, gutom, at kahirapan.
Batay sa datos ng City Social Welfare and Development Office, aabot sa 623 pamilya sa Brgy. 21-C at 360 pamilya naman mula sa Brgy. 22-C ng Piapi, Quezon Boulevard ang natukoy na nawalan ng tahanan.
Ilan sa mga ito ang kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation centers sa Brgy. 21-C Gymnasium at Brgy. 22-C covered court. | ulat ni Jaymark Dagala
?: OVP