Simula mamayang gabi hanggang March 24, hihina o mawawalan ng serbisyo ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila at probinsya ng Cavite.
Sa abiso na inilabas ng Maynilad, ilan sa mga maapektuhan na lungsod sa National Capital Region (NCR) ay ang Las Piñas, Muntinlupa, at Parañaque.
Ilan naman sa mga apektado sa Cavite ay ang Bacoor, Imus, Noveleta, Rosario, at Cavite City.
Ayon sa Maynilad, ang water interruption ay dulot ng high water turbidity o paglabo ng tubig dulot ng hanging amihan.
Nagpaalala ang naturang water concessionaire sa mga consumer na mag-ipon na ng tubig subalit mag-iikot ang kanilang mga water tankers sa mga apektadong lugar. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.