Tumaas na ng sampung piso ang kada kilo ng baboy sa Makati City.
Sa talipapa ng Brgy. Cembo, ₱360 na ang kada kilo habang sa Guadalupe marker ₱320 na ang kada kilo.
Ayon sa mga nagtitinda, noong nakaraang linggo nang mapansin ang pagmahal ng presyo ng karne baboy.
Hindi naman nabawasan ang bilang ng mga bumibili sa kanila at ganun pa rin ang kinikita kada araw.
Pero madalas silang nakakarinig ng reklamo sa mga namimili dahil sa pagbabago ng presyo.
Samantala, mabenta naman ang frozon meat sa Guadalupe Market na ₱220 ang kada kilo.
Pero hindi naman alam ng nagtitinda kung saan galing ang mga frozen meat.
Matatandaan una ng sinabi ng Bureau of Animal Industry na tatlong barangay sa Cebu ang nadagdag sa tinamaan ng African Swine Fever. | ulat ni Don King Zarate