Ilang senador, pabor sa rekomendasyon na ipagbawal ang POGO sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa pitong mga senador na ang pumirma sa report ng Senate Committee on Ways and Means patungkol sa economic at social cost ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas.

Tumanggi naman si Committee Chairman Senador Sherwin Gatchalian na pangalanan kung sinu-sinong mga senador ang lumagda na sa pinapaikot niyang report.

Sa huling sesyon ng senado kahapon bago ang higit isang buwang session break, iprinesenta na ni gatchalian ang findings ng kanIyang komite partikular na walang madudulot na benepisyo ang POGO sa sambayanang pilipino.

Ayon sa senador, iprinesenta na niya ang chairman’s report kahit pa nagpapatuloy ang pagpapirma sa mga senador upang mailatag ang mga natuklasan at rekomendasyon mula sa mga isinagawang senate inquiries.

Sampung pirma ng mga senador na miyembro ng Committee on Ways and Means ang kinakailangan para ganap na mapagdebatehan at mapaaprubahan sa buong senado ang committee report.

Aminado naman ang mambabatas na may ilan pang senador ang pinag-aaralan pa ang mga isyu sa POGO at kabilang sa mga concern ng mga hindi pa lumalagda ang posibleng pagkawala ng trabaho at pagkakakitaan ng mga pilipinong nasa POGO industry. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us