Nais ng bansang India na mag-alok ng libreng edukasyon at training para mga Pilipinong nais na mag-aral at mag-training sa naturang bansa.
Ayon kay Indian Ambassador to the Philippines
Shambuhu Kumaran, layon ng kanilang libreng edukasyon at training na mapaigting pa ang pakikipag-ugnayan pagdating sa Mutually Beneficial People Centric Partnership ng dalawang bansa.
Kaugnay nito, kabilang sa iniaalok na libreng training at education ay sa sektor ng artificial intelligence, cyber technologies, engineering and technology, agriculture, entrepreneurship, trade, education, at pharmaceuticals.
Nasa 65 slots ang kinakailangan ng naturang bansa at sagot nito ang round trip ticket, accomodation, at school tours sa naturang programa.
Sa mga nais mag-apply ay makipag-ugnayan lamang sa Indian Embassy at sa social media pages at website ng naturang embahada. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio