Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte na hindi bulag ang Department of Education (DepEd) sa mga problemang kinahaharap sa sistema ng edukasyon sa bansa.
Ayon kay VP Sara, nakalatag na sa Basic Education Report 2023 na kanyang inilahad noong Enero ang mga solusyon sa suliranin.
Kabilang aniya sa mga tinututukan ng DepEd ang pag-hire ng mga guro at administrative staff, at konstruksyon ng bagong silid-aralan at school buildings.
Kasabay ng mga repormang ito, iginiit ng pangalawang pangulo na hindi dapat makuntento ang ahensya sa pagpapatupad ng makalumang solusyon at sa halip ay mag-innovate.
Muli namang bumuwelta si VP Sara, na hindi mahuhulog sa bitag ang DepEd sa mga gimik ng isang party-list group na nakasanayan na ang panlilinlang. | ulat ni Hajji Pantua Kaamiño