Ipinataw na suspensyon kay Negros Oriental Rep. Arnie Teves, maaaring i-apela

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaaring i-apela ang ipinataw na suspensyon ng Kamara kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Ayon kay House Sec. General Reginald Velasco ang paghahain ng rekonsiderasyon ay isang pribilehiyo ng mambabatas.

At sakaling may maghain ng apela ay ire-refer ito sa House Committee on Ethics na siyang may hurisdiksyon sa isyu.

“..privilege yan ng kahit sino mang congressman to request for reconsideration or any remedy but again we will have to await the, that letter for reconsideration and then we refer it back to the Committee on Ethics. Remember ang may jurisdiction na dito yung Committee on Ethics.” paliwanag ni Velasco.

Paglilinaw naman ni COOP NATCO Party-list Rep. Felimon Espares, chair ng Ethics Committee, tanging ang mambabatas na bumotong pabor na suspendihin si Teves lamang ang maaaring umapela sa naturang desisyon at hindi mismong si Teves.

Batay sa Rule 106 ng House Rules, anumang panukala, report o mosyon na inaprubahan, pinagtibay o natalo, ay maaaring i-apela ng isang miyembro ng Kapulungan na bumoto kasama ang mayorya, sa mismong araw o susunod na session day.

“When a measure, report or motion is approved, adopted or lost, a Member who voted with the majority may move for its reconsideration on the same or succeeding session day. Only one motion for reconsideration shall be allowed” saad sa House Rules. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us