IRR ng Vintage Vehicle Regulation Act, pirmado na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang nalagdaan ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 11698 o ang “Vintage Vehicle Regulation Act” kung saan sakop ang mga sasakyang may 40 taon na ang tanda mula sa orihinal na petsa ng manufacturing nito.

Layon ng batas na ito na mapangalagaan ang mga vintage vehicle sa bansa na matuturing na pambansang yaman at mahalagang bahagi ng ating kultura.

Pinangunahan ni Land Transportation Office (LTO) Chief Asec. Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang isinagawang ceremonial signing para sa IRR ng batas sa Presidential Car Museum sa Quezon City na dinaluhan din ng mga mambabatas na nagtulak nito kabilang sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senator Francis Tolentino, Northern Samar 1st District Representative Paul Daza, at mga opisyal mula sa iba oang ahensya ng pamahalaan.

Sa ilalim ng IRR, ang LTO ang lead agency na magpapatupad ng batas kabilang ang registration ng vintage cars at pagbuo ng national database ng vintage vehicles.

Naniniwala naman si Asec. Tugade na sa tulong ng IRR ay mas pinagaan na ang requirements at proseso upang mahikayat ang lahat na makapagparehistro at umayon sa mga panuntunan ng batas kaugnay ng mga vintage vehicle.

Magiging epektibo ang IRR ng batas sa April 17, 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us