Kinumpirma mismo ng isang asset ang kalakaran ng paghingi ng droga bilang kabayaran para sa mga impormante at ang drug recycling sa bansa.
Pababahagi ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers, mismong ang impormante ang nagkwento nito sa ginawang executive session ng komite.
Aniya, binibigyan ng ‘basura’ o street lingo para sa shabu, ang mga impormante ng PDEA o PNP sa kada matagumpay na operasyon ng anti-illegal drug operatives.
Nasa 30% hanggang 70% ng drogang nasabat aniya ang ibinibigay na kabayaran sa impormante.
At halos 20 taon nang ginagawa aniya ang ganitong kalakaran.
Siniguro naman ni Barbers na kung may sapat na ebidensya ay mayroong mga masasampahan ng kaso.
Nanindigan din ito na hindi sila titigil sa pag-iimbestiga hanggang sa matukoy ang lahat ng mga opisyal at unipormadong hanay na sangkot sa maling kalakaran.
“The testimony of the asset confirmed what we have heard all this time. The illegal practice of giving substantial portions of the drugs seized now has a face. In due time, if evidence warrants, criminal charges will be filed. We will not stop until we have unmasked all these crooks in uniform who have doomed so many lives to live in luxury,” diin ni Barbers. | ulat ni Kathleen Jean Forbes