Bumaba ng 31 porsyento ang kaso ng cholera sa bansa.
Sa disease surveillance ng Department of Health, mula Enero 1 hanggang Pebrero 25 ng 2023, nakapagtala ng 588 kaso ng cholera sa bansa.
Mas mababa ito sa 857 na naitala sa kaparehong panahon noong 2022.
Pero tumaas naman ng isa ang bilang ng nasawi ngayong taon dahil sa cholera na nasa 7 kumpara sa 6 noong 2022.
Sa datos ng DOH, nakitaan ng pagtaas ng cholera cases sa region 5, 6,8,9, CAR at NCR. | ulat ni Lorenz Tanjoco