![](https://radyopilipinas.ph/wp-content/uploads/2023/03/IMG-1a02b7e5b41d03eb348065fbffb3bcc8-V.png)
Nadagdagan ng 169 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon yan sa datos ng Department of Health (DOH) as of March 18, 2023.
Dahil dito umakyat na sa 4,078,820 ang mga nagka-COVID sa bansa habang 4,003,285 ang gumaling.
Ayon sa DOH, 9,270 ang aktibong kaso sa bansa.
Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat pa rin lalo’t nandiyan pa rin ang COVID-19 virus. | ulat ni Don King Zarate