Kasunduan sa kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Sweden, isinulong

Facebook
Twitter
LinkedIn
Photo courtesy of Department of National Defense

Kapwa inaasahan ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge, Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. at Swedish Ambassador to the Philippines Annika Thunborg, ang pagsisimula ng negosasyon para sa “Framework on Defense Materiel Cooperation” sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang pagbuo ng naturang kasunduang pandepensa ay kabilang sa mga tinalakay ng dalawang opisyal sa pagbisita ng Embahador sa DND.

Nagpasalamat si Galvez kay Thunborg sa tulong ng Sweden sa peace efforts sa Pilipinas, na naging daan sa pagpapatatag ng magandang relasyon ng dalawang bansa.

Tinalakay din ng dalawang opisyal ang defense modernization efforts ng Pilipinas, partikular ang prayoridad ng Philippine Air Force (PAF) na mapalakas ang kanilang kapabilidad sa surveillance at interdiction.

Napag-usapan din ang posibleng pagbisita ng mga delegasyon ng dalawang bansa sa hinaharap. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us