Kawani ng NAIA, nagsauli ng halos ₱55,000 na naiwan ng dayuhang pasahero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang katapatan ng isa nilang kawani matapos magsauli ng naiwan na pera ng isang pasahero.

Ayon sa MIAA-Media Affairs Division, papasakay na ng eroplano sa NAIA Terminal 3 ang pasaherong si Terrance Alspach isang US citizen patungong Tokyo, Japan nang maiwan ang pera nito na nagkakahalaga ng $1,000 US dollars o ₱55,000.

Agad naman itong napansin ng isang naka-duty na wheelchair attendant at ipinaalam sa Aviation Security guard na si Mercy Pecson para sa kaukulang disposisyon.

Sa tulong ng CCTV footage mula sa Airport Police Department ay nakilala at natukoy ang pasaherong nakahulog ng pera.

Bago pa man makalipad ay naiabot naman ang naiwang pera ng dayuhan na bibiyahe sakay ng ANA Airlines Flight NH280.

Kinikilala ng MIAA ang mga kawani ng airport na nagpamalas ng katapatan at integridad na magsisilbing magandang ehemplo na dapat tularan ng kanilang mga kasama. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us