Sinegundahan ng Kilusan sa Pagwawasto ng Kasaysayan (KPK) ang posisyon ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kontra sa House Bill 77 o “Human Rights Defenser’s Protection bill”.
Ang KPK ay kinabibilangan ng iba’t ibang grupo ng mga dating kasapi ng kilusang komunista, at advocacy groups na kontra sa armadong terorismo.
Bilang paghahayag ng kanilang pagtutol sa nasabing hakbang, nagtirik ang grupo ng mga kandila, at sinunog ang mga bandila at konstitusyon ng CPP-NPA-NDF, sa Plaza Miranda, Quiapo Maynila.
Bago nagtungo sa Plaza Miranda ang mga lider ng KPK ay lumusob muna sila sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR), upang magkaroon ng diyalogo sa mga pinuno ng CHR kaugnay sa pagbasura sa isinusulong na HB 77.
Sa isang statement, sinabi ng KPK na ang HB 77 ay mas mabuting tawaging CPP-NPA-NDF Protection bill, dahil itinuturing dito na “Human rights defenders” ang mga kriminal, rebelde, terorista at kalaban ng estado. | ulat ni Leo Sarne